dzme1530.ph

VP Sara, sumulat ng kanta tungkol sa korapsyon

Loading

Isiniwalat ni Vice President Sara Duterte na sumulat siya ng kanta tungkol sa korapsyon sa pamahalaan, kasabay ng panawagan sa taumbayan na manindigan laban sa mga sakim.

Sa kanyang pagharap sa mga Pilipino sa Nagoya, Japan, muling binanatan ni VP Sara ang Marcos administration na inilarawan niya bilang “mukha ng pang-aabuso at korapsyon.”

Inihayag ng bise presidente na isinulat niya ang kanta sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa flood control projects na iniuugnay sa mga senador, kongresista, at mga opisyal mula sa Department of Public Works and Highways.

Hiniling ni VP Sara sa Filipino community na sabayan siya sa pag-awit ng kanyang isinulat na kanta na may liriko na “Sigaw ng bayan, lumaban na, mga sakim, durugin na.”

About The Author