dzme1530.ph

VP SARA, SINAYANG ANG PAGKAKATAON NA SAGUTIN ANG DALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINTS

Loading

Sinayang ni Vice President Sara Duterte ang pagkakataon na sagutin ng maayos ang nilalaman ng dalawang impeachment raps.

 

Pahayag ito ni Rep. Gerville Luistro, chairperson ng Committee on Justice, matapos matanggap ang 15-pages Consolidated Verified Answer Ad Cautelam.

 

Binigyan umano nila ng pagkakataon si VP Duterte na sagutin ang mga paratang sa complaints, subalit hindi ito sinagot point by point ng kanyang mga abogado.

 

Ito rin umano ang matagal nang inaantay ng taumbayan, ang kasagutan sa mga alegasyon laban sa Bise Presidente.

 

Maging si Manila Rep. Joel Chua ay nagsabi na puro teknikalidad lamang ang laman ng Verified Answer na isinumite ni VP Sara.

About The Author