dzme1530.ph

VP Sara, sinagot ang Palasyo sa isyu ng DepEd leadership

Loading

Binuweltahan ni Vice President Sara Duterte ang pahayag ng Malacañang na ang kanyang dalawang taong pamumuno sa Department of Education ay isang “complete failure.”

Sa isang panayam sa The Hague, Netherlands, iginiit ni Duterte na nang maghain siya ng resignation noong Hunyo 2024, iba ang naging hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kumpara sa mga sinasabi ngayon ng Palasyo.

Ayon kay VP Sara, sinubukan pa umano siyang pigilan ng Pangulo, inalok ng ibang posisyon, at hiniling na makatulong siya sa 2025 midterm elections.

Para sa Bise Presidente, patunay ito na kinilala ng Pangulo ang kanyang ambag bilang miyembro ng gabinete at hindi siya nabigo sa kanyang tungkulin.

About The Author