Binigyang pagkilala ni VP Sara Duterte ang mga law enforcement agencies sa pag-aresto sa umano’y lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Eric Casilao.
Pinuri ni Duterte ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang ahensyang katuwang upang maaresto sa tamang proseso si Casilao.
Ayon sa bise presidente, si Casilao ay may hawak na mahalagang posisyon sa New People’s Army (NPA).
Ito umano ay isa sa mga aktibong nagplano ng pag-atake sa mga pwersa at imprastraktura ng gobyerno, sa mga komunidad ng sibilyan, pagpatay sa mga lider ng lumad, nasa likod ng puwersahang pangongolekta ng pera mula sa mga kumpanya ng pagmimina at agribusiness.