![]()
Nanindigan si Vice President Sara Duterte na ipagpapatuloy nito ang paglaban sa kasakiman ng ilang mataas na opisyal ng pamahalaan, na hindi niya pinangalanan, sa kanyang year-end report sa Office of the Vice President (OVP).
Binigyang-diin ni Duterte ang kahalagahan ng maayos na plano, mahusay na implementasyon ng mga proyekto, laban sa korapsyon, at ang tapang at malasakit para sa kaunlaran ng bansa.
Ayon sa ulat ng OVP, 4,643 Pilipino ang nakatanggap ng medical assistance, habang 1,377 ang nabigyan ng burial assistance. Umabot naman sa 73,054 pamilyang Pilipino ang natulungan mula sa iba’t ibang sakuna ngayong taon, at 875,176 commuters ang napagsilbihan ng libreng bus ride program mula Enero hanggang Oktubre.
Sa ilalim ng RIICE Program, 56,575 bags ng bigas at food items ang naipamahagi sa mga benepisyaryo. Tumupad din ang OVP sa target nitong makapagtanim ng mahigit isang milyong puno sa 2025. Sa programang Mag Negosyo Ta’Day, 15 grupo at 2,245 aspiring business owners ang natulungan ng OVP ngayong taon.
