dzme1530.ph

VP Sara, nakiisa sa pagtitipon ng mga tagasuporta ni Quiboloy

Dumalo si Vice President Sara Duterte sa ika-7 araw ng prayer vigil para kay Kingdom of Jesus Christ Leader, Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay upang ipakita ng bise presidente ang kanyang suporta sa kontrobersyal na pastor na nahaharap sa iba’t ibang kaso.

Pasado ala-6 kagabi nang dumating si VP Sara sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, kung saan nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ng religious leader.

Una nang ipinagtanggol ni Inday Sara sa pamamagitan ng video message si Quiboloy na malapit sa kanilang pamilya at spiritual adviser ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

About The Author