![]()
“Good luck sa kanya.”
Ito ang maikling pahayag ni Vice President Sara Duterte nang tanungin tungkol sa usap-usapan sa social media hinggil sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ni Duterte ang komento sa sidelines ng 84th anniversary ng Araw ng Kagitingan sa Veterans Memorial Monument sa Davao City.
Una nang tiniyak ni Marcos sa publiko na maayos ang kanyang kalusugan, kasabay ng paghikayat na huwag basta maniwala sa mga nakikita sa social media.
Inihayag ng bise presidente na ang okasyon ngayong araw ay hindi lang dapat magsilbing pag-alala kundi panawagan upang masolusyunan ang kasalukuyang mga isyu na nakaaapekto sa pambansang seguridad at sa kapakanan ng mga Pilipinong sundalo.
