![]()
Handa si Vice President Sara Duterte na irekomenda ang isang British international law expert para magsilbing counsel ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, sakaling arestuhin ito, alinsunod sa utos ng International Criminal Court (ICC).
Tugon ito ni Duterte sa panayam sa Negros Occidental, nang tanungin tungkol sa umano’y arrest warrant ng ICC laban kay Dela Rosa.
Sinabi ni VP Sara na wala pa siyang verified information tungkol sa arrest order, subalit binalaan na niya ang senador noon pang Abril na maghanda sa anumang hakbang ng ICC.
Idinagdag ng Bise Presidente na tinawagan niya si Dela Rosa, at nakausap niya maging ang anak nito na si Rocky, at binanggit ang tungkol sa British counsel na naka-base sa England, sakaling interesado ang mambabatas.
