Tiwala ang National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict (NTF-ELCAC) na magiging ‘game changer’ si Vice President Sara Duterte sa paglaban kontra communist terrorist group sa Pilipinas.
Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya, malaki ang magiging papel ni VP Sara bilang bagong co-vice chairperson ng NTF-ELCAC sa pagtupad sa kanilang mandatong sugpuin ang mga komunistang grupo sa bansa.
Isa aniya sa mga papel ni Duterte ay ang pagbibigay ng guidance sa mga ahensyang nasa ilalim ng NTF-ELCAC mula sa kaniyang mga naging karanasan bilang dating mayor ng Davao City na isa sa mga insurgency free places sa Pilipinas.
Binigyang-diin din ng opisyal na malaking tulong ang pagiging education secretary ni Duterte para mapalakas ang seguridad sa mga paaralan upang matuldukan na ang recruitment activities ng mga miyembro ng NPA.
Samantala, ani Malaya, target ng NTF-ALCAC na mas paigtingin pa ang kanilang Barangay Development Program at Retooled Community Support Program sa tulong ng iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno para sa mga rebeldeng magbabalik loob. —sa panulat ni Jam Tarrayo