Kwestyunable rin para kay Vice President Sara Duterte ang pagtawid sa 20th Congress ng articles of impeachment na isinampa laban sa kanya ngayong 19th Congress sa Senado, bilang impeachment court.
Sa panayam sa Bise Presidente na nasa The Hague, Netherlands, sinabi niya na bagaman nagtataka ay bahala na ang kanyang mga abogado na magsalita tungkol dito para hindi siya mapagalitan.
Kahapon ay inamin ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na siya ang nasa likod ng isang resolusyon para ibasura ang impeachment case laban kay Duterte.
Noong nakaraang linggo naman ay inanunsyo ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na iniurong sa June 11 mula June 2 ang pagbabasa ng articles of impeachment laban sa Bise Presidente.
Ang 19th Congress ay mag-a-adjourn sine die sa June 14.