dzme1530.ph

VP SARA, IISNABIN ANG HEARING NG HOUSE COMMITTEE ON JUSTICE NGAYONG MIYERKULES

Loading

Hindi dadalo si Vice President Sara Duterte sa hearing ng House Committee on Justice, ngayong Miyerkules, kaugnay ng impeachment complaints laban sa kanya.

 

Kinumpirma ni Atty. Michael Poa, isa sa mga abogado ng bise presidente ang hindi pagdalo ni Inday Sara sa unang hearing ng komite sa impeachment complaints na idineklarang sufficient ng form, substance, at grounds.

 

Naghain ang kampo ni VP Sara noong March 16 ng reply sa impeachment complaints matapos ideklara ang mga ito ng komite na sufficient in substance noong March 4.

 

Sa kanyang reply, iginiit ng bise presidente na ang isinampa sa kanyang mga reklamo ay ibinatay sa “exaggerated conclusions dressed up as fact.”

About The Author