dzme1530.ph

VP Sara, hindi pipilitin ng Kamara na humarap sa budget deliberations

Loading

Hindi pipilitin ng Kamara na humarap si Vice President Sara Duterte sa sandaling sumalang na ang panukalang 2026 budget ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Lanao Del Sur Cong. Zia Alonto Adiong, igagalang ng Kamara sakaling magpasya ang Bise Presidente na mga opisyal lamang ng OVP ang paharapin sa budget deliberations.

Gayunman, lalo lamang aniya makikita ang pagiging ‘immature’ ni VP Duterte bukod pa sa pagbaliwala nito sa accountability sa paggamit ng public funds.

Matatandaan na sinabi ni VP Duterte na hanggang ₱733-M lamang ang isusumite niyang budget para sa 2026.

Ngayong 2025 mahigit ₱700-M lamang ang ipinagkaloob na budget ng kongreso sa OVP, dahil tinapyas ang ₱1.3-B at inilipat ito sa tanggapan ng DSWD at DOH.

About The Author