Pormal nang hiniling ng Gabriela Women’s Party sa Kongreso, ang imbestigasyon sa bidding at procurement process sa Department of Education.
Tinuligsa ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang kabiguan ng DepEd na mai-deliver ang halos 20,000 laptops na essential sa e-learning sa public schools.
Sa budget hearing kahapon lumitaw na ₱9.17 billion ang halaga ng proyekto, at 12,022 laptop para sa teaching personnel, at 7,558 for non-teaching staff ang hindi nai-deliver, na nakadagdag sa pagdurusa ng mga guro at estudyante.
Ani Brosas, hindi katanggap-tanggap ang incompetence na ipinamalas ni VP Duterte sa kanyang panunungkulan bilang kalihim ng DepEd.
Patunay talaga ito na hindi siya isang kaibigan ng mga guro at estudyante.
Ang hinihiling nitong imbestigasyon ay para mapanagot ang nasa likod ng kapalpakan, at maituwid ang mga kamalian sa sektor ng edukasyon na ngayon ay nasa crisis level na. —sa panulat ni Ed Sarto