dzme1530.ph

VP Sara, himinok si PBBM na sumailalim sa drug test

Loading

Hinimok ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa drug test matapos ang paratang ni Sen. Imee Marcos na umano’y gumagamit ng ipinagbabawal na droga ang First Family.

Iginiit ni VP Sara na dapat ipakita ng Pangulo ang resulta sa publiko upang patunayan na may kakayahan pa itong mamuno sa bansa.

Tumanggi namang magkomento si VP Sara tungkol sa posibilidad na pumalit sa Pangulo sakaling mapatalsik sa pwesto.

Samantala, nakatakda si Duterte na dumalo sa Senate hearing sa Nobyembre 27 para sa 2026 budget ng Office of the Vice President.

About The Author