dzme1530.ph

VP Sara, handang humarap sa paglilitis habang hinihintay ang desisyon ng SC

Loading

Handa si Vice President Sara Duterte na humarap sa paglilitis kaugnay ng impeachment case laban sa kanya habang hinihintay ang desisyon ng Korte Suprema sa mga mosyon para muling pagpasiyahan ang naunang pagbabasura ng kaso.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Michael Poa, matagal nang ipinahahayag ng Bise Presidente ang kahandaang sagutin ang mga akusasyon.

Naghahanda rin umano ang kanilang kampo sa posibilidad ng panibagong impeachment complaints sa susunod na taon sakaling tanggihan ng Korte Suprema ang lahat ng mosyon.

Iginiit ni Poa na wala pang “vindication” dahil hindi pa natalakay ng Korte Suprema ang pinakabuod ng kaso.

Kaugnay naman ng umano’y misuse ng confidential funds, sinabi nito na ang Commission on Audit ang tamang forum upang talakayin ito, dahil wala sa mga ulat nito ang nagpapatunay ng korapsyon o pandaraya, kundi may kulang lamang sa isinumiteng dokumento.

About The Author