![]()
Bumiyahe patungong Japan kagabi si Vice President Sara Duterte para dumalo sa mga rally sa Tokyo at Nagoya.
Layunin ng mga pagtitipon na ipanawagan ang paglaya ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay VP Sara, posibleng manatili siya sa Japan hanggang Martes o Miyerkules sa susunod na linggo.
Ipinaliwanag ng bise presidente na hindi na niya maaaring ipagpaliban ang pagdalo sa mga rally dahil maraming Pilipino ang nakapag-file na ng vacation leave para sa naturang event.
Ito na ang ika-15 foreign trip ng bise presidente ngayong taon.
Mula Agosto hanggang Setyembre, bumisita rin siya sa Kuwait, Netherlands, France, at Belgium.
								