![]()
Natanggap na ng House Committee on Justice ang “Consolidated Reply Ad Cautelam” ni Vice President Sara Duterte sa dalawang impeachment complaint na kinakaharap niya.
Ayon kay Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon, miyembro ng komite, alas-kuwarto y medya (4:30) kahapon, March 16, 2026, opisyal na tinanggap ng komite ang consolidated reply.
Dahil dito, may tatlong araw ang dalawang complainants at endorsers ng impeachment raps na sumagot sa natanggap na reply.
Matapos naman ang tatlong araw, may kahalintulad ding bilang ng araw ang Bise Presidente para sa rejoinder kung nanaisin niya.
Bukas, March 18, inaasahang magkakaroon ng initial hearing ang Committee on Justice, habang sa April 8 magsisimula ang proper hearing para idetermina ang sufficiency in grounds.
