dzme1530.ph

VP Sara Duterte, padadalhan ng subpoena ng NBI kasunod ng pagbabanta sa buhay ng Pangulo

Padadalhan ng subpoena ng National Bureau of Investigation si Vice President Sara Duterte, kasunod ng lantaran nitong pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sa ambush interview matapos ang press briefing sa Malakanyang, inihayag ni NBI Director Jaime Santiago na ginagawa na ngayon ang subpoena, at ipadadala na ito bukas.

Kasunod nito ay bibigyan ng limang araw si VP sara upang tumugon sa subpoena at magpaliwanag.

Tiniyak naman ng NBI ang due process para sa Pangalawang Pangulo upang maipaliwanag nito ang kanyang panig, at hindi ito kaagad aarestuhin bilang paggalang sa kanyang posisyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author