dzme1530.ph

VP Sara Duterte, nasa Brunei para sa kanyang duty bilang SEAMEO President

Nasa Brunei Darussalam si Vice President at Education Secretary Sara Duterte para sa tatlong araw na pagbisita na bahagi ng kanyang mandato bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization  (SEAMEO).

Kaninang umaga ay nag-courtesy call si VP Sara kay Brunei Crown Prince Haji Al-Muhtadee Billah bago bumisita sa public at private schools sa Bandar Seri Begawan.

Ayon sa prinsipe, nasa ibang bansa ang kanyang ama na si Sultan Hassanal Bolkiah para sa isang official trip sa Middle East.

Kabilang sa unang binisita ni Duterte ang isang public school kung saan maraming batang Pilipino ang nag-aaral.

Ngayong hapon naman ay inaasahang tutunguhin ng bise presidente ang isang private school, pati na ang SEAMEO Regional Centre for Vocational and Technical Education Training. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author