dzme1530.ph

VP Sara Duterte, nanindigan na hindi niya pinagbantaan ang buhay ng Pangulo

Loading

Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi niya pinagbantaan ang buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sa press conference, kanina, tinanong si Duterte kung pinagsisisihan nito ang kanyang sinabi na umano’y assassination threat sa Pangulo.

Binigyang diin ng Bise Presidente na wala siyang ginawang pagbabanta, at sa kabilang kampo aniya galing na may assassin o gunman.

Magugunita sa virtual press conference noong Nov. 23, 2024, na galit na isiniwalat ni VP Sara na biktima siya ng assassination plot.

Sa naturang presscon din ibinunyag ni Duterte na may kinausap siyang tao para paslangin sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos, at Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinatay.

About The Author