Pormal nang nagbitiw si Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, Hunyo 19.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil bandang 2:21 ng hapon ay personal na nagtungo sa Malakanyang ang Pangalawang Pangulo upang maghain ng kanyang resignation letter bilang kalihim ng Department of Education at Vice Chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Samantala, tinanggap naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte.
Nagpasalamat naman ang Palasyo sa naging serbisyo ni Vice President Sara Duterte sa gabinete ng Marcos Administration at mananatili pa rin umano ito bilang Bise-Presidente.