Hindi na stable ang gobyerno.
Ito ang binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng mga imbestigasyon hinggil sa anomalya sa flood control projects.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, malinaw na inaabuso na ang sistema ng gobyerno para sa pansariling interes ng iilan.
Gayunman, nilinaw ni Duterte na walang nakikipag-usap sa kanya kaugnay ng posibleng pagpapalit ng liderato, sa kabila ng mga usapin ng kudeta at malawakang kilos protesta noong September 21.
Dagdag pa ng Bise Presidente, hindi na siya nagulat sa lumabas na testimonya hinggil sa pagdedeliber ng male-maletang pera sa bahay ni Cong. Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez.
Giit ni Duterte, matagal na nilang alam na tumatanggap ng kickbacks si Romualdez hindi lamang sa flood control projects kundi maging sa illegal gambling.
Aniya, hindi na rin bago ang paggamit ng luggage o maleta sa paglipat ng pera, dahil minsan na ring nadawit si Romualdez sa ganitong modus sa Estados Unidos.