dzme1530.ph

VP Sara Duterte, hinamong ilabas ang lahat ng dokumento ukol sa confidential funds

Loading

Hinamon ni Sen. Erwin Tulfo si Vice President Sara Duterte na manguna sa paglalabas ng lahat ng dokumento kaugnay ng paggamit ng confidential funds ng kanyang tanggapan at ng Department of Education.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Senado na i-archive o isantabi ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

Giit ni Tulfo, kung talagang wala namang tinatago si VP Sara, dapat kusa na siyang maglabas ng lahat ng dokumento.

Batay sa mga articles of impeachment, kinukuwestyon ang ₱612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at ng DepEd noong 2022 at 2023.

Ayon kay Tulfo, ang pagsang-ayon nito sa pag-archive ng reklamo ay hindi nangangahulugang abswelto na si Duterte, kundi isang paggalang lamang sa desisyon ng Korte Suprema.

Dagdag pa ng senador, bilang mambabatas ay may tungkulin silang sundin at ipagtanggol ang Konstitusyon.

About The Author