Dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House Committee on Good Gov’t and Public Accountability.
Sa remarks nito, tahasan nitong sinabi na hindi siya pasasakop sa imbestigasyon na aniya hango lamang sa mababaw na privilege speech.
Tumanggi rin itong sumailalim sa oath gaya ng ginagawa ng mga resource person dahil base umano sa House rules, tanging witness o testigo lang ang dapat manumpa.
Hindi rin aniya budget ang talagang pakay ng imbestigasyon kundi ang pangangalap ng impormasyon para siya ay masampahan ng impeachment complaint.
Kaugnay sa sinasabing malfeasance, misfeasance at nonfeasance sa paggamit nito ng pondo, sa Korte niya ito sasagutin at hindi sa isang inquiry in aid of legislation.
Bago matapos ang kanyang remarks, hiniling nito na tapusin na ang imbestigasyon sa dahilang wala itong hurisdiksyon sa inaakusa sa kanya, at hindi ito in aid of legislation. —sa panulat ni Ed Sarto