dzme1530.ph

VP Sara, duda sa resulta ng Senatorial race sa nagdaang Halalan 2025

Loading

Nagpahayag ng pagdududa si Vice President Sara Duterte sa resulta ng nakalipas na midterm elections.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, sinabi ni Duterte na ang kanilang mga kandidato, gaya nina Jayvee Villanueva Hinlo Jr., Jimmy Bondoc, at Richard Mata ay dapat nanalong mga senador.

Inihayag ni VP Sara na kumonsulta na siya sa information technology experts hinggil sa idinaos na May 12 elections.

Idinagdag niya na maging ang mga hindi niya pinangalanang experts ay kinuwestyon din ang resulta ng nagdaang halalan.

Bunsod nito ay hinimok ng Bise Presidente ang PDP Laban na kwestyunin kung paano isinagawa ang eleksyon.

About The Author