dzme1530.ph

VP Sara, bibiyahe patungong Australia para dumalo sa rally para sa ama na si dating Pangulong Duterte

Loading

Magtutungo si Vice President Sara Duterte sa Australia para sa panibagong personal trip, at lumahok sa kilos-protesta upang ipanawagan ang pagpapalaya sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa advisory mula sa Office of the Vice President (OVP), kabilang sa itinerary ng Bise Presidente ang pagdalo sa “Free Duterte Now” rally sa Linggo, sa Melbourne.

Noong nakaraang linggo ay nagtungo si VP Sara sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa isang personal trip, kasama ang kanyang pamilya.

Habang nasa Malaysia, dumalo si Inday Sara sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at sa program consultation para sa Overseas Filipino Workers.

About The Author