Inaasahang uuwi sa bansa si Vice President Sara Duterte anumang araw ngayong linggo, matapos dumalo sa isang Thanksgiving event kasama ang overseas Filipino workers nitong weekend sa Hong Kong.
Sa pahayag ng Office of the Vice President (OVP), plano ni Duterte na dumalo sa 88th Araw ng Dabaw Festivities sa March 16 at 17, sa Davao City.
Gayunman, hindi tinukoy ng OVP ang eksaktong petsa ng pagbabalik ni VP Sara sa Maynila.
Lumipad patungong Hong Kong ang Bise Presidente para sa pagtitipon ng OFWs, na dinaluhan din ng kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte, at mga kandidato ng PDP-Laban.