Hinikayat ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang mga Pilipino na gamitin ang mga aral ni Hesukristo bilang gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa Lenten message ng Pangalawang Pangulo, inihayag nito ang pakiki-isa sa mamayang Pilipino sa pag-alala sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.
Hiniling din ni VP Sara na alalahanin ang kabutihan ni Hesus sa panahon ng pagninilay, isapuso at isa-isip ang kaniyang mga sakripisyo at patuloy na patatagin ang ating pananampalataya.
Binigyang-diin pa ng Bise Presidente na patuloy siyang mananalangin para sa pagkaka-isa at kapayapaan sa Pilipinas.