Humarap din via online si Vice President Sara Duterte sa pagdinig kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ng Bise Presidente na malinaw na mali ang ginawang pag-aresto sa kanyang ama noong March 11, dahil minadali ito makaraang hindi na iniharap sa local court ang dating Pangulo.
Kaya ang tanong aniya ay anong mga hakbang ang gagawin upang maibalik ang dating Pangulo sa bansa.
Nag-iisa aniya siya sa The Hague para gumawa ng paraan na maibalik sa bansa ang dating pangulo.
Bilang tugon sinabi ni Sen. Imee Marcos na hindi nag iisa ang bise presidente dahil kaisa sila sa naghahanap ng solusyon sa problema.
Inihayag din ng Bise Presidente na nakita niyang wala talagang hurisdiksyon ang ICC sa bansa subalit alam din niyang mayroon nang imbestigasyong isinasagawa dahil nabigyan sila ng data o impormasyon.