Binago ng Comelec ang voters’ registration period.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang bagong schedule ay simula Oktubre ngayong taon hanggang sa Hulyo sa susunod na taon.
Ang original schedule ay mula July 1 hanggang 11, o sa loob lamang ng sampung araw, bilang konsiderasyon sa barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 1, 2025.
Inihayag din ni Garcia na ang desisyon na i-reset ang voters’ registration period ay “final” na at hindi ito nakadepende kung ipagpapaliban o hindi ang BSKE.