dzme1530.ph

Voter registration para sa BSKE 2026, umarangkada na

Loading

Umarangkada na ang unang araw ng voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), tinatayang aabot sa 1.4 milyong bagong botante ang inaasahang magpaparehistro sa buong bansa.

Sa Luneta Park, maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga magpaparehistro, habang nakaantabay din ang mga otoridad at medical team para sa kaligtasan ng publiko.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, bukod sa Luneta ay isinasagawa rin ang registration sa PITX at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, at target din ng ahensya na dalhin ito sa mga malalayong lugar sa ilalim ng Special Register Anywhere Program.

Ilulunsad din ng COMELEC ang Register Anytime Program para sa mga nagtatrabaho sa gabi, kung saan magkakaroon ng mga registration booth sa mga paliparan, ospital, at call centers.

Paalala ng COMELEC, magdala ng valid government-issued ID. Tatanggapin din ang mga aplikasyon para sa transfer of registration.

Bukas ang voter registration hanggang May 18, 2025, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, kabilang ang mga holiday.

About The Author