dzme1530.ph

Visa-free entry para sa mga Pinoy, pinalawig ng Taiwan

Pinalawig ng Taiwan ang kanilang trial visa-free entry para sa mga Pilipino.

Inihayag ng Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan na matapos ang i-evaluate ang effectiveness ng naturang hakbang sa mga nakalipas na taon, nagpasya ang mga ahensya na i-extend ang programa ng isa pang taon.

Bukod sa mga Pinoy, saklaw din ng extended visa-free entry program ang mga mamamayan ng thailand at brunei.

Epektibo ang extension simula August 1, 2024 hanggang July 31, 2025.

About The Author