dzme1530.ph

VIP treatment sa ilang PDL sa NBI detention facility, pinabulaanan

Loading

Nagsagawa ng surprised inspection si NBI Dir. Judge Jaime Santiago sa detention facility sa building 14 sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ito’y upang pabulaanan ang mga alegasyong na umano’y VIP treatment sa ilang PDL tulad ni dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves.

Ayon kay Santiago, pantay-pantay ang trato sa mga bilanggong nakapiit sa kanilang detention facility maging sa pagkain at kanilang mga karapatan.

Sa katunayan, over capacity na umano ang NBI detention facility na ngayon ay mayroong higit 200 detainee, at 80% rito ay mga dayuhan.

Kinakausap din ni Santiago ang mga PDL kung sila ay nakakaranas ng pang aabuso o nakitaang special treatment na pareho naman pinabulaanan.

Tiniyak di nito na agad nilang inililipat ang PDL ng kulungan sa oras na maglabas na ng kautusan o commitment order ang korte tulad ng ginawa kay Arnie Teves.

About The Author