dzme1530.ph

Villanueva, nagbabala sa ‘Trap Propaganda’ ng China sa West Philippine Sea

Nababahala si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pagkahulog ng ilang opisyal ng gobyerno sa istratehiya ng China na pag away-awayin ang mga Pilipino sa isyu ng West Philippine Sea (WFS).

Tinukoy ni Villanueva ang mainit na isyu ng ‘Gentleman’s agreement’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng China kaugnay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Nagtataka ang senador kung bakit ngayon lamang binanggit ng China ang naturang ‘Gentleman’s Agreement’ na alam din naman ng naturang bansa na hindi maipatutupad dahil sa kawalan ng pormal na mga dokumento.

Naniniwala si Villanueva na nagtatanga-tangahan lamang ang China sa pagdiriin sa ‘Gentleman’s Agreement’ na mula sa umpisa ay alam nilang walang binding effect sa gobyerno.

Kasabay nito, nanawagan si Villanueva sa lahat opisyal man o hindi ng gobyerno na magkaisa sa usapin ng WPS.

Hindi magandang tingnan na magkakaiba ang mensahe na nanggagaling sa atin kaya’t kung may ibang pananaw aniya sa National Policy ay mas makabubuting huwag nang isapubliko.

Dahil tiyak naman aniya na nagkakasundo tayo na atin ang ating Exclusive Economic Zone (EEZ), panalo tayo sa Arbitral Ruling at atin ang WPS.

About The Author