Nababahala ang Commission on Human Rights(CHR) sa nagviral na video ng panenermon ng isang guro sa kaniyang mga estudyante.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ng CHR na ang paaralan ay lugar ng pagkatuto at nararapat lamang na ligtas para sa mga mag-aaral.
Maituturing anila na paglabag sa dignidad ng mga estudyante at posibleng magdulot ng pang-matagalang epekto ang mga hindi kaaya-ayang salita na sinabi ng guro.
Paliwanag ng Komisyon, may kakayahan ang mga guro na buuin ang kamalayan at pag-iisip ng mga estudyante, gaya ng mapanunuod sa viral video.
Gayunpaman, tinanggap ng CHR ang desisyon ng Dept. of Education na hindi patawan ng parusa ang naturang teacher.