dzme1530.ph

Victor Wembanyama, itinanghal na NBA Rookie of the Year

Itinanghal si Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs bilang NBA Rookie of the Year.

Si Wembanyama ang tanging rookie na nakapagtala sa kanyang unang taon sa NBA ng averages na 21.4 points, 10.6 rebounds, 3.9 assists, 3.6 blocks, at 1.2 steals per game.

Siya rin ang ika-anim na player, mula nang ilunsad ang award noong 1952-1953 season, na nakakuha ng bawat first-place vote.

Ang 20-anyos na French basketball player ang ika-apat pa lamang na manlalaro  at kauna-unahang rookie na nakatapos ng isang season na mayroong 1,500 points, 250 assists at 250 blocked shots.

About The Author