![]()
Sa pagdiriwang ng Chinese New Year, nanindigan ang Malacañang para sa “friendly at healthy” communication sa China.
Sa harap ito ng mainit na palitan ng salita sa pagitan ng embahada ng China sa Pilipinas at ilang opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Communication Undersecretary Claire Castro, matibay ang paninindigan ni President Marcos na panatilihing maayos ang relasyon ng dalawang bansa.
Samantala, hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na harapin ang takot at panindigan ang matapang na hakbang sa gitna ng pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong taon.
Sa kanyang lunar new year message, nagpaabot ng pagbati ang pangalawang pangulo sa Filipino-Chinese communities sa buong mundo, at hinimok na salubungin ang taon ng mayroong lakas ng loob at buhayin ang diwa ng bayanihan.
Umaasa si VP Sara na ang bagong taon ay magdadala ng kasaganaan, malusog na pangangatawan, at kapayapaan sa bawat tahanan.
Sinabi ng Bise President na magkaisa tayong itaguyod ang isang maunlad na Pilipinas para sa lahat.
