dzme1530.ph

Veteran broadcaster Fernando “Dindo” Amparo sanga, itinalagang bagong director general ng PBS-BBS

Itinalaga ang beteranong broadkaster na si Fernando “Dindo” Amparo sanga bilang bagong director general ng Presidential Broadcast Service – Bureau of Broadcast Services.

Nanumpa na sa pwesto si sanga sa harap ni Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez.

Nagkaroon din ng turnover ng liderato ng ahensya mula kay dating PBS-BBS Chief Rizal Giovanni Aportadera.

Taong 1987 nang magsimula ang career sa media ni Sanga, kung saan dati siyang naging reporter ng Radyo Pilipinas, naging development information officer ng Philippine Information Agency, at nag-trabaho rin ito sa ABS-CBN.

Ang PBS-BBS naman ay itong namamahala sa state-owned radio stations.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author