dzme1530.ph

Veteran actor na si Ricky Davao, nakatagpong muli ng pag-ibig

Nakatagpong muli ng pag-ibig ang Award-winning veteran actor na si Ricky Davao.

Inamin ng aktor na isang taon na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Malca Darocca at hindi naman aniya malaki ang agwat ng kanilang mga edad.

Bagaman kasama ni Ricky ang kanyang girlfriend sa press conference ng pinagbibidahan niyang pelikula na “Monday First Screening” ay pinili niyang huwag na itong ipakilala sa press, upang manatiling pribado ang kanilang relasyon at malayo sa intriga.

Umaasa rin naman ang veteran actor na magkaka-ayos na sila ng tuluyan ng kanyang ex-wife na si Jackie Lou Blanco na ina ng kanyang tatlong anak na sina Arabella, Rikki Mae, at Kenneth. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author