dzme1530.ph

Vehicle sales sa bansa, tumaas sa 45% noong Mayo

Lumago sa 45% ang kita ng automotive industry sa bansa noong Mayo.

Batay sa datos ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at truck manufacturers association(TMA), pumalo sa 38,177 units ang naibentang sasakyan sa nasabing buwan, na mas mataas ng 24.6% kumpara sa 30,643 units sold noong Abril, at 26,370 units sold sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Nanguna sa may pinakamaraming bilang ng naibentang sasakyan ang commercial vehicles na may 28, 385 units.

Sinundan ng light commercial vehicles (LCVS) na may 22,418 units, kabilang ang pampasaherong sasakyan, at asian utility vehicles (AUVS) na may 5,099 units.

Iniuugnay naman ni CAMPI President Atty. Rommel Gutierrez ang paglago ng bilang ng mga sasakyan sa mataas na demand sa merkado. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author