Nakapagtala muli ng double-digit growth ang vehicle sales sa bansa noong Marso, batay sa datos na inilabas ng mga manufacturers.
Sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), pumalo sa 36,880 ang naibentang mga bagong sasakyan sa ikatlong buwan ng taon.
Mas mataas ito ng 24.2% kumpara sa 29,685 units na naibenta noong March 2022, at 19.3% na mas mataas din sa 30,305 units noong February 2023.
Sinabi ni CAMPI President Atty. Rommel Gutierrez na ang March 2023 sales performance ang ikalawa sa pinakamataas na monthly performance sa post-pandemic time, matapos maitala ang mahigit 37,000 unit sales noong Disyembre ng nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano