![]()
Dapat gawin nang permanente ang validity ng Persons With Disability (PWD) ID ng mga taong permanente na rin ang disability tulad ng mga deaf, mute, blind, o walang paa o kamay.
Ito ang iginiit ni Sen. Erwin Tulfo kasabay ng pagsasabing hindi tamang ipinarerenew pa ang validity ng kanilang mga ID dahil wala namang tsansa na gumaling pa ang kanilang kondisyon.
Sa kasalukuyan, limang taon ang validity ng PWD ID, kasama ang mga may permanent physical illness.
Iginiit ni Tulfo na dagdag pabigat pa sa mga may sakit ang pangangailangang bumalik-balik tuwing limang taon upang irenew ang kanilang ID.
Nangako naman ang National Council on Disability Affairs na isinasaayos na nila ang lahat ng hakbang upang gawing permanente ang PWD ID.
