Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpapatuloy pa rin ang validation sa mga rice retailers na apektado ng pagpapatupad ng price cap sa bigas ngunit hindi pa nakakatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaan.
Ayon kay Trade Assistant Secretary Agaton Uvero, halos lahat kasi ng mga naunang nabigyan ay mga retailers na may kumpletong dokumento at pumasa sa isinagawang validation.
Umapela naman ang mga opisyal ng DTI sa mga rice retailer na may mga reklamo patungkol sa kanilang matatanggap na subsidiya na idaan sa tamang komite o tamang proseso ang kanilang hinaing upang mas tiyak na matugunan ng mga kinauukulang ahensiya.
Samantala, iginiit pa ng DTI na continuous pa rin ang pagkalap ng pamahalaan ng mga karagdagang datos ng mga retailer na naapektuhan ng Executive Order 39 upang patuloy na maibigay sa kanila ang ayuda. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News