dzme1530.ph

Utos ni PBBM sa DOJ, NBI para imbestigahan ang hoarding ng agri-products, sinang-ayunan ni Cong. Barzaga

Positibo para kay Cavite Cong. Elpidio Pidi Barzaga, Jr. ang utos ni PBBM sa DOJ at NBI para imbestigahan ang hoarding, smuggling at price manipulation sa sibuyas at iba pang agricultural products.

Para kay Barzaga, isa ito sa nanguna sa inquiry, patunay na seryoso talaga ang Chief Executive na protektahan ang publiko at magsasaka laban sa pagsasamantala ng smugglers at price fixers.

Basehan din aniya ito para sabihing pinahalagahan ng Pangulo ang effort ng House Committee on Agriculture and Food na nag-imbestiga at nagsiwalat sa mga pangalan ng nasa likod ng onion cartel sa bansa.

Sa statement ng Palasyo tinukoy mismo ni PBBM na batay sa pag-iimbestiga ng Kamara, may matibay na ebidensya laban sa onion cartel na siyang nagdikta sa presyo ng sibuyas na umabot sa P700.00 per kilo.

Ang mga ebidensyang nakalap ang gagamitin para masimulan ang imbestigasyon hanggang sa masampahan sila ng kaso. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author