Isa pang kapalpakan ni Vice Pres. Sara Duterte ang naungkat sa budget hearing ng Department of Education na dati nitong pinamunuan.
Sa interpolasyon ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, kinumpirma ng Information and Communications Technology Service (ICTS) ang COA 2023 observation report na tanging ₱2.18 billion lamang ng ₱11.36 billion budget ang nagastos.
Ayon kay ICTS Director Ferdinand Pitagan, ang pondo ay laan sa pagbili ng computers, laptops, smart television sets at iba pang e-learning equipments.
Sinabi ni Luistro na 19.22% lamang ang utilization rate ng DepEd sa ICT packages.
Paliwanag ni Pitagan, mababa ang utilization rate sa 2023 Computerization Program dahil nakatuon pa sila sa 2022 fundings na nasa catch-up deliveries pa rin.
Dahil sa mahinang deliveries inamin ni Pitagan na sa kasalukuyan ang student to computer ratio ay 1 is to 9, habang ang teacher to computer ratio ay 1 is to 30. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News