dzme1530.ph

Utang ng Pilipinas, sumampa na sa mahigit ₱16-T

Lumagpas na sa ₱16-Trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas noong Oktubre, bunsod ng epekto ng paghina ng piso kontra dolyar.

Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo sa ₱16.020 trillion ang total outstanding debt, na mas mataas ng 0.8% o ₱126.95 billion kumpara sa ₱15.893-trillion balance, as of September 2024.

Hanggang noong katapusan ng Oktubre ay naitala sa ₱10.889 trillion ang domestic debt, mas mababa ng 0.4% o ₱46.42 billion kumpara noong Setyembre.

Ang external debt naman ay naitala sa ₱5.130 trillion na mas mataas ng 3.5% o ₱173.37 billion kumpara noong ika-siyam na buwan ng taon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author