dzme1530.ph

Utang ng Pilipinas, lumobo sa panibagong record-high na P15.35-T

Naitala sa panibagong record-high ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Mayo.

Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo sa P15.347-T ang outstanding debt ng national government noong mayo na mas mataas ng 2.2% o P330.39-B kumpara sa P15.07-T noong Abril.

Iniugnay ng Treasury ang tumaas na utang sa paghina ng piso at patuloy na financing efforts ng pamahalaan.

Ang end-May debt stock ay binubuo ng 68.04% o P10.442-T na utang mula sa domestic creditors at 31.96% o P4.904-T mula sa foreign lenders.

About The Author