dzme1530.ph

Usok mula sa wildfire sa Canada, umabot na sa US

Umabot na sa US ang makapal na usok mula sa wildfire sa Canada.

Dahil dito, naglabas ang US National Weather Service ng air quality alerts sa Eastern Seaboard.

Pinaalalahanan naman ng health officials ang mga residente sa Vermont, South Carolina, Ohio, at Kansas na manatili sa loob ng kanilang bahay upang maiwasang magkaroon ng respiratory problems dahil sa makapal na usok.

Samantala, kinansela na ng New York at Washington DC ang outdoor activities ng mga pampublikong paaralan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author