dzme1530.ph

Usec. Frederic Vida, itinalaga bilang acting Justice Secretary

Loading

Magsisilbi si Justice Undersecretary Frederic Vida bilang acting chief ng Department of Justice.

Kasunod ito ng paghirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang Ombudsman.

Sinabi ni Remulla na nakausap na niya si Pangulong Marcos sa Malacañang at napagkasunduan na si Vida ang magsisilbing officer-in-charge sa DOJ.

Nabatid na si Vida ang kasalukuyang DOJ Undersecretary for Finance, Administrative Service, and Personnel Cluster.

Ayon kay Remulla, sa ngayon ay hindi pa napag-uusapan kung sino ang papalit sa kanya bilang Justice Secretary.

About The Author