dzme1530.ph

USAPIN NG CHARTER CHANGE, NABUHAY SA RULING NG KORTE SUPREMA KAUGNAY SA IMPEACHMENT; KORTE SUPREMA POSIBLENG MAY IBANG AGENDA

Loading

Binuhay ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang usapin ng charter change matapos ang inilabas na final ruling ng Korte Suprema sa impeachment process kay Vice President Sara Duterte. 

Sinabi ni Sotto na, sa inilabas na ruling ng Korte Suprema, pinanghimasukan na nito ang kapangyarihan ng Kongreso at tila binago na ang nilalaman ng konstitusyon.

Kung ganito anya ang mangyayari ay susuportahan na niya ang ChaCha (Charter Change) dahil mas mabuti pang baguhin na ang Konstitusyon upang maitama ang mga nakikita nilang mali sa ruling. 

Binigyang-diin ni Sotto na lumulutang din ang posibildad na may ibang agenda ang mga mahistrado sa ruling.

Ipinaliwanag ng Senate Leader na pinahirapan nang husto ng Korte Suprema ang proseso ng impeachment na tila ayaw na nilang magkaroon ng ganitong hakbangin. 

Plano ni Sotto na makipagpulong sa liderato ng kamara upang mapag usapan ang susunod nilang hakbangin hinggil sa ruling ng Korte Suprema.

About The Author